MAG-ASAWA, ANAK SUGATAN SA BUNDOL

CAVITE – Sugatan ang isang mag-asawa at kanilang 6-anyos na anak na makaka-angkas sa isang motorsiklo nang mabangga ng isang Honda Civic na pumihit pakaliwa sa kalsada sa bayan ng Silang sa lalawigan noong Linggo ng umaga.

Nilalapatan ng lunas sa Tagaytay Medical Center ang mag-asawang Jose Lucky Nieves Ostan, 37, at Leziel Ricafort Ostan, 33, at anak nilang 6-anyos na babae, pawang mga residente ng Brgy. Pasong Langka, Silang, Cavite.

Pinaghahanap naman ang driver ng isang Honda Civic Sedan na may plakang UPP 409, na si Dexter Dellora.

Ayon sa ulat, minamaneho ni Rellora ang kanyang Honda Civic habang sakay naman ang mag-asawang Ostan ng isang motorsiklong Rusi Flame 1501 at backride nila ang kanilang 6-anyos, at kapwa binabagtas ang Sta. Rosa-Tagaytay Road, Brgy. Pasong Langka, Silang, Cavite bandang alas-8:15 ng gabi.

Ngunit pumihit pakaliwa ang kotse dahilan upang mabangga nito ang motorsiklo ng mag-asawa,

Gayunman, imbes na huminto ang driver ng Honda Civic para tulungan ang pamilya Ostan, ay tumakas ito.

Isinugod naman ng Barangay Ambulance ng Pasong Langka ang pamilya Ostan sa ospital habang tinutugis ng mga awtoridad ang driver ng Honda Civic, na nahaharap sa kasong paglabag sa Art. 275 o Abandonment Of One’s Own Victim. (SIGFRED ADSUARA)

40

Related posts

Leave a Comment