KAT PIMENTEL ‘NAMANGKA SA DALAWANG ILOG’

INIWAN sa ere ni Kat Pimentel, asawa ni Senador Koko Pimentel, ang kampo ng mga Teodoro matapos siyang tulungan ng mga ito na makilala sa Marikina City.

Ayon sa isang mapagkakatiwalaang source, hindi man lang nagpaalam nang maayos si Pimentel kina Mayor Marcy Teodoro at Marikina 1st District Rep. Maan Teodoro at ipinaabot lang sa pamamagitan ng text message ang desisyon niyang kumalas.

Ang mga Teodoro ang nagbigay ng break kay Pimentel para umugong ang pangalan at makilala ng mga taga-Marikina.

Batay sa impormasyong nakalap ng hiwalay na source, nagmistulang doble kara itong si Pimentel dahil matagal na pala itong nakikipag-usap sa kampo ng mga Quimbo, na siyang karibal ng mga Teodoro sa Marikina.

Sinabi ng source na naging tulay sa pagitan nina Pimentel at Quimbo ang dating politiko na si Del de Guzman. Nagkasundo umano ang dalawang kampo na magsasanib-puwersa laban sa mga Teodoro sa darating na halalan.

Bahagi ng kanilang plano na magdeklara muna si Pimentel bilang independent bago makipagsanib-puwersa sa mga Quimbo habang papalapit ang halalan.

“Binaligtad pa ng mga Pimentel ang sitwasyon sa kanilang mga supporter at pinalitaw na si Kat ang nilaglag ng mga Teodoro. Pero ang totoo, iniwan nila sa ere ang mga Teodoro,” wika pa ng source.

70

Related posts

Leave a Comment