Sa Kalangitan Landfill closure KORTE NAGLABAS NG TRO KONTRA BCDA, CDC

NAGLABAS ng Temporary Restraining Order (TRO) ang Regional Trial Court sa Capas, Tarlac laban sa Bases Conversion Development Authority (BCDA) at Clark Development Corporation (CDC) upang pigilin sa pag-takeover ng 100-ektaryang Kalangitan Sanitary Landfill.

Ito ay dahil sa nakatakdang kunin ng CDC at BCDA ang nag-iisang engineered sanitary landfill na may pang-araw-araw na kapasidad sa koleksyon ng basura na 4,000 tonelada hanggang 5,000 tonelada.

Ito ay nagsisilbi sa 150 local government units sa Central at Northern Luzon, kabilang ang mga ospital sa Metro Manila.

Parehong naghahanda ang CDC at BCDA na maglagay ng perimeter sa loob at paligid ng Metro Clark Waste Management Corporation (MCWM) sa Capas, Tarlac ngayong Oktubre 7, 2024, upang pigilan ang mga trak na humahakot ng mga basura sa pagpasok sa pasilidad.

36

Related posts

Leave a Comment