ATTY. RODRIGUEZ SA MEDIA: LABANAN GOV’T PROPAGANDA

(JESSE KABEL RUIZ)

MAGING balanse at huwag pumabor sa kahit sinong politiko.

Ito ang mensahe ni former executive secretary Atty. Vic Rodriguez sa mga mamamahayag sa kanyang pagdalo sa forum sa Quezon City noong Biyernes.

Binigyang-diin ni Rodriguez ang kahalagahan ng papel ng media sa magaganap na 2025 midterm election para ilantad ang mga tunay na agenda ng ilang politiko at kanilang mga partido pulitikal.

Sa pulong balitaan sa Kamuning Bakery Café hosted by Wilson Flores ay hinikayat ni Atty. Rodriguez ang mga kasapi ng media na labanan ang government propaganda.

“Labanan natin ang government propaganda, i-counter natin, tayo ang magsilbing check and balance. Atin silang bantayan at ilabas ninyo ang katotohanan, not to favor any candidates, not to favor any politician.”

Binigyang-diin din ni Rodriguez ang kahalagahan ng check and balance lalo na sa ehekutibo at lehislatura at mangyayari lamang ito kung magkakaroon ng dominant o effective opposition sa dalawang kapulungan. Lalo na anya at nananatiling buhay ang planong pagbabago sa Saligang Batas.

Ayon kay Atty. Rodriguez, mahalaga na malaman ng taumbayan ang tunay na agenda ng kasalukuyang administrasyon- ang baguhin ang Saligang Batas upang palitan ang porma ng gobyerno mula sa democratic form of government tungo sa parliamentary style na ang layunin ay manatili sa puwesto ang mga nakaluklok sa poder.

Tahasang sinabi ng kauna-unahang executive secretary ng Bongbong Marcos admin, na demokrasya ang nakasalalay sa magaganap na 2025 midterm election kaya mahalaga na magkaroon sa dalawang kapulungan ng credible personalities na magsisilbing epektibong oposisyon.

Mistula aniyang referendum ang magaganap na eleksyon dahil dito makikita kung sino ang pabor o salungat sa pagbabago ng konstitusyon na siyang tunay na agenda ng administrasyon.

Aniya, pakay ng Marcos admin na makakuha ng sapat na bilang ng mga mambabatas upang mawalan ng balakid sa pagsusulong ng Charter change na matagal nang nakaplano.

38

Related posts

Leave a Comment