Nakabangga ng motorista sa kalasingan 2 PNP-SWAT MEMBERS SINIBAK

NAHAHARAP sa kasong administratibo ang dalawang kasapi ng Special Weapon and Tactics (SWAT) ng Bacoor City Police Station, matapos mag-viral sa social media nang mabangga ang isang motorista dahil sa kanilang kalasingan.

Inamin ni Police Lieutenant Colonel John Paolo Carracedo, hepe ng Bacoor Police, na tauhan nito ang dalawang hindi kinilalang pulis.

Ayon kay Lt. Col. Carracedo, pansamantalang inilagay sa Cavite Provincial Administrative and Resource Management Unit ng PNP ang dalawang pulis habang sumasailalim sa imbestigasyon at tiniyak na isasailalim ang mga ito sa due process.

Nabatid, nasa hot water ngayon ang dalawang pulis na nag-viral sa social media matapos makabangga ng motorista habang nagmamaneho nang lasing gamit ang mobile patrol car ng Bacoor-PNP.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, tinatahak ng mga pulis ang kahabaan ng Molino Boulevard sa nasabing bayan, nang bigla na lamang nilang nasalpok ang isang motorista.

Makikita sa kuha ng video ng motorista na kinakausap niya ang mga pulis at nalaman na lasing ang mga ito dahil hindi makausap nang maayos. (JESSE KABEL RUIZ)

36

Related posts

Leave a Comment