VENDOR PATAY SA DE-KOTSENG GUNMAN

QUEZON – Patay ang isang vendor matapos na barilin ng hindi nakilalang suspek na nakasakay sa isang kotse sa bayan ng Sariaya sa lalawigan maghahatinggabi noong Linggo.

Agad nalagutan ng hininga sa pinangyarihan ng krimen ang biktimang si Ariel Sabino Magsino, 44, residente ng Brgy. Tumbaga 1, Sariaya.

Batay sa ulat ng Sariaya Police, dakong alas-11:55 ng gabi, nakatayo ang biktima sa gilid ng isang burger food stall sa harap ng Sentrong Pamilihan market sa Maharlika Highway, Barangay Sampaloc 2, nang lapitan ito ng suspek at pinagbabaril.

Pagkaraan ay tumakas ang suspek na sumakay sa isang puting kotseng Honda Civic.

Blangko pa ang pulisya sa motibo sa krimen at sa pagkakakilanlan ng gunman na nakasuot in itim na jacket at naka-face mask. (NILOU DEL CARMEN)

21

Related posts

Leave a Comment