NAGLULUKSA ngayon ang pamilya ng tatlong batang babae na nalunod noong Sabado ng umaga nang magkatuwaang maligo sa ilog sa Bulan, Sorsogon.
Ayon sa ulat na ibinahagi ng Bulan Municipal Police Office, kabilang sa mga nalunod ang isang 9-anyos na batang babae at dalawa nitong kaibigan na kapwa walong taong gulang lamang.
Sinasabing nagkatuwaang maglaro at maligo sa ilog sa Barangay Abad Santos bandang alas-10 ng umaga ang mga bata na hinihinalang napadpad sa malalim na bahagi ng ilog dahil sa lakas ng agos.
Sinubukan pa umanong sagipin ng mga residente ang tatlo ngunit patay na ang mga ito nang maiahon sa ilog. (JESSE KABEL RUIZ)
74