BARANGAY TANOD ITINUMBA SA INUMAN

PATAY ang isang 62-anyos na barangay tanod makaraang pagbabarilin habang nakikipag-inuman sa Barangay 34, Tondo, Manila nitong Biyernes ng madaling araw.

Namatay noon din ang biktimang si Jonathan Riso, alyas “Diablo”, residente ng Tondo, Manila.

Mabilis namang nakaeskapo ang suspek na si Renz Reniel Gutierrez, 34, jobless, ng nasabi ring lugar.

Base sa ulat ni Police Captain Dennis Turla, hepe ng Manila Police District – Homicide Section, bandang alas-4:00 ng madaling araw nang mangyari ang insidente.

Nabatid mula kay Police Captain Rex Manlansing, forensic expert ng MPD, tadtad ng mga tama ng bala sa katawan ang biktima.

Ayon sa salaysay ng mga testigo, inimbitahan ng suspek ang biktima na mag-inuman sa kanilang bahay.

Ngunit habang masayang nag-iinuman ay biglang pinagbabaril umano ng suspek ang biktima na ikinagulat ng ibang mga kainuman na nagpulasan.

Makaraan ang pamamaril ay mabilis na tumakas ang suspek. (RENE CRISOSTOMO)

384

Related posts

Leave a Comment