PAMASKONG HANDOG NG CALAMBA LGU NAIS PAIMBESTIGAHAN

NANAWAGAN ng isang masusing imbestigasyon ang mga residente ng Calamba, Laguna ukol sa P409 milyong halaga ng 2024 “Pamaskong Handog” na ginastos ng pamunuan ni Mayor Roseller “Ross” H. Rizal.

Batay sa isang dokumento mula sa Bid Notice Abstract – Invitation to Bid ng Philippine Government Procurement System (PhilGeps) ng pamahalaan ng Calamba, umabot sa P409 milyon ang budget para sa Pamaskong Handog.

Para sa ilang residente, bagaman maganda ang pamimigay ng aginaldo, nakagugulat na mas malaki ang pondong inilaan dito ng Calamba kumpara sa ibang mas malalaking siyudad sa Metro Manila.

“Napakalaki ng budget ng pamaskong handog ni Mayor Roseller “Ross” H. Rizal mas mataas kaysa sa budget na inilaan ng malalaking siyudad sa Maynila subalit madami ang hindi nakatanggap.

Mas malaki pa ang budget ng Calamba kung ikukumpara sa Pasig at Taguig. Pero sa ibang proyekto, walang pondo gaya ng paospital sa aming mahihirap na kulang na lang pagtabuyan kami sa munisipyo pag nahingi ng tulong,” pahayag ng residenteng si Mang Ato.

Bukod dito, kinukwestyon din nila ang may 39 milyong piso na ginugol umano ng lokal na pamahalaan para lamang sa “Christmas decoration” ng lungsod.

Nagtataka ang mga taga-Calamba dahil sa laki anila ng ginastos ng kanilang local government ay hindi naman nila halos naramdaman na nagkaroon ng ganitong proyekto si Rizal sa loob ng tatlong taon nitong panunungkulan.

“Puro ayuda, ano kaya ang nasa likod ng mga ayudang ito? Aanhin ang ayuda kung namamatay na mga mahihirap dito sa Calamba dahil walang budget sa tulong pinansyal sa pagpapaospital ng mahihirap na inilalapit sa munisipyo,” reklamo ng isa pang residente.

8

Related posts

Leave a Comment