BABAE NATAGPUANG PATAY SA ILALIM NG TULAY

QUEZON – Isang bangkay ng hindi pa nakikilalang babae ang natagpuang sa ilalim ng tulay sa Barangay Pulo, sa bayan ng San Antonio sa lalawigan noong Martes ng umaga.

Ayon sa ulat ng San Antonio Police, bandang alas-9:00 ng umaga nang matagpuan ang bangkay na nakabulagta sa gilid ng ilog sa ilalim ng tulay sa Barangay Pulo.

Napag-alaman sa imbestigaston ng pulisya, natuklasan ang mga sugat nito sa noo at mukha na maaaring sanhi ng pagkahulog mula sa tulay.

Nabatid naman mula sa ilang nakasaksi, nakita ang babae na naglalakad sa bahaging iyon ng highway bago ito nakitang patay na sa ilog.

Nagsasagawa ng follow-up investigation ang mga awtoridad para sa pagkakakilanlan ng biktima, mga posibleng saksi, at pag-review ng mga CCTV sa kalapit na mga barangay.

Inaalam din ng mga awtoridad kung paano nahulog ang babae sa tulay o kung ito ay itinulak ng hindi pa nakikilalang suspek at kung may foul play sa insidente. (NILOU DEL CARMEN)

8

Related posts

Leave a Comment