BAGSAK sa selda ang isang 39-anyos na lalaking suspek sa kasong rape, makaraang madakip ng mga tauhan ng Delpan Police Station 12 ng Manila Police District, sa Parola Compound, Binondo, Manila noong Lunes ng hapon.
Kinilala ang suspek na si alyas “Dennis”, residente ng nasabing lugar.
Samantala, desidido naman ang mga magulang ng 14-anyos na dalagitang biktima, na ituloy ang kaso laban sa suspek.
Ayon sa ulat ni Police Staff Sergeant Vanessa Javier, ng Women and Children Concern Section, kay Police Lieutenant Colonel Marlon Mallorca, station commander, bandang alas-12:45 ng hapon nang matimbog ang suspek sa ikinasang “Oplan Galugad “, sa pangunguna ni Police Master Sergeant Mart Roque, kasama sina Police Master Sergeant Milven Leyva, Police Master Sergeant Narciso Ignacio Jr., at Police Corporal Allan Juego, pawang mga tauhan ng Warrant and Intelligence Section.
Ayon sa salaysay ng biktima, natutulog siya kasama ang kanyang boyfriend, nang molestiyahin siya ng suspek at pinagbantaan nito.
Agad nagsumbong ang biktima sa mga awtoridad na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek. (RENE CRISOSTOMO)
![](https://saksingayon.com/wp-content/plugins/dp-post-views/images/eyes.png)