BASHERS NG AYUDA “NOISY MINORITY”- SOLON

TINAWAG ng isa sa mga lider ng Mababang Kapulungan ng Kongreso na “noisy minority” ang kumokontra at naninira umano sa mga ayuda program ng administrasyon.

Ginawa ni Deputy Speaker at Quezon Rep. David Suarez ang pahayag matapos lumabas sa survey ng Social Weather Stations (SWS) na 80 hanggang 90% ang kumikilala sa naitutulong ng mga ayuda program ng gobyerno sa mga tao.

“The numbers are clear – the vast majority of Filipinos believe that these ayuda programs work. Those who continue to criticize them represent only a small, disconnected group that refuses to acknowledge their importance,” ani Suarez.

Kabilang sa mga ayuda program ang gobyerno ay Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), Ayuda sa Kapos ang Kita Program (AKAP), Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) at Walang Gutom Program.

Pinakakontrobersyal dito ang AKAP dahil isiningit lang ang pondo ng nasabing programa noong 2024 general appropriations act (GAA) at muling pinondohan ngayong 2025 na kinakastigo ng mamamayan.

“The inclusion of AKAP in the national budget was a deliberate decision because it provides real relief to struggling families. We stood our ground against attempts to remove it because we know how much it helps our people,” ayon pa kay Suarez.

Tila lalo namang ginaganahan si Senior Deputy Speaker Aurelio “Dong” Gonzales Jr., sa resulta ng survey dahil ipinapakita lamang umanonito na halos lahat ng mga Pilipino ay sang-ayon dito kaya hindi dapat pagkaitan ng tulong.

“Bakit naman tayo magpapadala sa paninira at pag-iingay lamang ng iilan? Bakit sila na minority ang magdidikta ng public policy kung sa mayorya ng mamamayan ay beneficial itong mga ayudang ito?” ani Gonzalez. (PRIMITIVO MAKILING)

66

Related posts

Leave a Comment