NANAWAGAN si senatorial aspirant Benhur Abalos Jr. na maging mahigpit sa pagpapatupad ng batas laban sa mga nagpapakalat ng fake news.
Sa press conference sa Savano Hotel sa San Jose del Monte City, nitong Biyernes, ipinakita ni Abalos ang isang Facebook post na ginagamit ang kanyang pangalan na aniya’y hindi totoong kanya.
Iginiit ni Abalos ang masidhing pangangailangan ng labanan ang malaganap na fake news. (DANNY BACOLOD)
