(NI CHRISTIAN DALE)
INAMIN ni Mocha Uson, first nominee ng AA-Kasosyo party-list group kay Presidential spokesperson Salvador Panelo ang dahilan ng pagkatalo niya sa katatapos lamang na eleksyon sa bansa.
Sinabi ni Panelo na nagkausap na sila ni Mocha at inamin sa kanya nito na napabayaan niya na magkampanya ng sariling party-list group na kanyang kakatawanin sa Kongreso.
Aniya, hindi identified si Mocha sa AA-Kasosyo party-list group kaya’t hindi aniya alam ng mga botante lalo na ng kanyang limang milyong followers sa Facebook na siya ang nominee ng nasabing party-list group.
“Sabi ko, dapat pina-amend mo. In-amend mo dapat iyong ano… iyong.. may AA-Kasosyo Mocha kasi hindi nga.. hindi nga identified eh,” ayon kay Sec. Panelo.
Mas nakatulong pa aniya si Mocha sa ibang kandidato.
Gayunman, plano aniya ni Mocha na ituloy pa rin ang kanyang mga adbokasiya kahit wala na siya sa gobyerno.
129