P474K SHABU NASABAT NG QCPD-DEU

TINATAYANG aabot sa mahigit ₱474,000 halaga ng shabu ang nakumpiskang ng mga operatiba ng Drug Enforcement Unit (DEU) ng Quezon City Police District (QCPD) sa isinagawang buy-bust operation sa Barangay San Antonio sa Quezon City.

Nakumpiska ang droga mula suspek na kinlalang si Rolando Matias, 34, residente ng No. 258 Sto. Niño Street, Bgy. San Antonio, Quezon City.

Nabatid na marami ng report ang natanggap ng mga awtoridad ukol sa pagbebenta ng shabu ni Matias kaya nang naberepika ang sumbong laban sa suspek, agad na ikinasa ang buy-bust operation upang madakip ito.

Ayon kay Col. Melecio Buslig, Jr., na siyang namuno sa police operation, Nagsagawa muna sila ng masusing surveillance bago plinano kung papaano malalambat si Matias habang nasa aktong nagbebenta ng droga.

Isang undercover police officer ang nagsilbing poseur buyer sa operasyon at nakabili ito mula sa suspek ng shabu na nagkakahalaga ng ₱35,000 bago agad na dinakip ang notoryus na pusher.

Pinuri naman ni Col. Buslig ang mga operatiba ng DDEU sa pamumuno ni Major Elvin Ballesteros sa kanilang dedikasyon at katapatan sa kabilang tungkulin bilang mga alagad ng batas.

“Ang matagumpay na operasyon na ito ay patunay ng patuloy nating laban kontra droga. Kung kaya’t hindi titigil ang inyong pulisya sa pagsupil sa mga kriminal na nagpapakalat ng iligal na droga sa ating komunidad,” saad nito. (PAOLO SANTOS)

6

Related posts

Leave a Comment