PASAY MULING SINUYOD NG JOYRIDE VS KOLORUM

MULING nagsagawa ng operasyon ang pamunuan ng Joyride sa kahabaan ng LRT sa Pasay City hanggang Mall of Asia laban sa mga hindi lehitimong rider nila na namamasada.

Kasama ng Joyride ang mga tauhan ng Southern Police District na sumita sa mga hindi kolorum o hindi lehitimong gumagamit ng uniporme ng naturang motor taxi.

Layon nila na tiyakin ang kaligtasan ng mga pasahero.

Sa nasabing operasyon ay may ilang hindi legit na riders ng Joyride ang nahuli at inaasahang magsisilbing halimbawa sa mga kolorum. (RS)

16

Related posts

Leave a Comment