PASLIT SINAMPAL AT INIHAGIS NG AMA SA TRIKE

NA-TRAUMA ang isang 2-anyos lalaking paslit makaraang pagsasampalin at ihagis ng ama nito sa loob ng nakaparadang tricycle sa

Ylaya Street, Barangay 4, Tondo, Manila, ayon sa naantalang report ng Manila Police District – Moriones Police Station 2.

Ang suspek na agad naaresto ay kinilalang si alyas “Allan”, nahaharap sa kasong physical injury in relation to Republic Act 7610 (Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act).

Ayon sa saksing 20-anyos na si Ruth De Castro, bandang alas-9:56 ng gabi, habang naglalakad siya nang mamataan ang paslit na umiiyak habang hawak sa kanang braso ng ama at walang-awa itong pinagsasampal sa mukha.

Hindi pa umano nasiyahan ang suspek, ibinalibag pa nito ang anak sa loob ng tricycle.

Bunsod nito, nagtungo si De Castro sa tanggapan ng Barangay 107 at sa tulong ng naka-duty na si Archie Tubigon, barangay kagawad, kasama si Brgy. Ex-O Annaliza Demetrio, ipinarating nila ang insidente sa tanggapan ni Police Staff Sergeant Helen Ureta II ng Children and Women Concern Desk.

Agad naaresto ang suspek na bago dinala sa himpilan ng pulisya, isinailalim nila ito sa medical check-up upang matiyak ang maayos nitong kalusugan. (RENE CRISOSTOMO)

6

Related posts

Leave a Comment