VLOGGER NA SI MAHARLIKA TATAMBAKAN NG KASO

WALANG sasantuhin ang National Bureau of Investigation (NBI) sa mga vlogger at trolls sa social media na lumilikha ng pekeng balita at maling impormasyon.

Partikular na tinukoy ni NBI Director Jimmy Santiago sa idinaos na Meet the Manila Press Forum sa Orosa St., Manila na sasampulan ng pangil nito ang bantog na vlogger na si Maharlika na walang puknat umano ang kalokohan gamit ang social media.

Tiniyak ni Santiago na santambak na kaso ang sasalubong kay Maharlika sakaling dumating ito ng Pilipinas mula sa Amerika dahil sa pagpapakalat ng pekeng balita at maling impormasyon laban sa kasalukuyang gobyerno.

Sinabi rin ng tinaguríang “sharpshooter’ ng Manila police na kasong libel at cyber libel ang mga nakaumang laban kay Maharlika.

Isasailalim ito sa masusing imbestigasyon ng NBI upang mapanagot sa kasong paglabag sa Revised Penal Code.

Bukod kay Maharlika, may iba pang vlogger at trolls ang kakasuhan ng NBI.

Ang trolls sa social media ay nagtatago sa tunay nilang identity para magpakalat ng pambabastos at paninirang-puri sa mga politiko at tututukan din ng mga ahente ng

NBI ang mga tinatawag na “trolls” na nagtatago sa likod ng tunay nilang identity sa social media. (JULIET PACOT)

10

Related posts

Leave a Comment