ONLINE VOTING, MALAKI MAITUTULONG SA MGA OFW NGAYONG HALALAN 2025 — AKO-OFW

HINDI dapat palagpasin ng ating mga kababayang overseas Filipino worker ang muling pagboto ngayong Mayo 12, 2025 para sa midterm election.

Ang mga OFW ay nabigyan ng pagkakataon na makaboto online dahil sa ipinatupad ng Commission on Elections (Comelec) na Online Voting and Counting System o (OVCS).

Ibig sabihin, maaari na silang bumoto kahit nasa loob lamang sila ng kanilang bahay o pinagtatrabahuhan.

Sinabi ni 1st nominee at AKO-OFW chairman Dr. Chie Umandap na kailangan makapag-enroll muna ang mga Pinoy worker na nakatira at nagtatrabaho sa ibang bansa para magamit ang OVCS o Online Voting and Counting Sytem upang makasali sa pagpili ng mga susunod na mga senador at party-list at masiguro ang pagkapanalo ng tunay na kinatawan ng overseas Filipinos.

Aniya, noong nakaraang 2022 kasi ay nasa rank 1 ang AKO-OFW sa Kuwait, Oman at iba pang bansa sa Middle East.

Kung kaya nakasisiguro ang AKO-OFW na buo ang suporta ng mga OFW dahil naninwala silang marami nang natulungan ang naturang partylist kahit hindi pa ito nakaupo sa Kongreso.

Sa kasalukuyang hilera ng mga partylist, ang AKO-OFW partylist lamang ang kaisa-isang partylist na binuo ng mga oveseas Filipino worker at mga volunteer advocate na talagang may puso sa pagtulong sa kapwa OFW at mga pamilya nito.

Samantala, tiniyak naman ng 116 AKO OFW Partylist na ito lamang ang tunay at totoong boses ng overseas Filipinos workers o OFW.

11

Related posts

Leave a Comment