‘LUFFY’ GANG MEMBER TIMBOG SA BI

ISA pang hinihinalang miyembro ng notoryus na “Luffy” gang na nauugnay sa iba’t ibang panloloko sa kanilang bansa, ang inaresto ng Bureau of Immigration (BI).

Sinabi ni Immigration Commissioner Joel Anthony Viado, ang mga ahente ng BI Fugitive Search ay inaresto ang 33-anyos na si Natsuki Kimura sa Ayala Avenue sa Makati City, sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng Board of Commissioners ng bureau noong Marso 2023, para sa kanyang deportasyon sa Japan, dahil sa pagiging undesirable alien nito.

Si Kimura ay isa lamang sa maraming hinihinalang miyembro ng Luffy gang na naaresto ng BI simula nang iulat ng Japanese government ang kanilang presensya sa Pilipinas.

Ayon kay BI-FSU chief Rendel Ryan Sy, si Kimura ay subject ng outstanding arrest warrant na inisyu noon ng Tokyo summary court matapos siyang kasuhan ng theft.

Inakusahan siya at kanyang kasabwat ng pagnanakaw ng ATM cards sa pagpapanggap nito bilang police officers upang makapanloko ng biktima para isurender ang kanilang cards at iba pang impormasyon.

Nagtatrabaho umano ito bilang telephone operator para sa Luffy syndicate, para sa international scamming operations.

Nakadetine si Kimura sa BI warden facility ng Camp Bagong Diwa, Taguig City habang naghihintay ng kanyang deportasyon. (JOCELYN DOMENDEN)

14

Related posts

Leave a Comment