2 TIMBOG SA DROGA SA TONDO AT PORT AREA, MANILA

DALAWANG hinihinalang tulak ng droga ang naaresto sa magkahiwalay na lugar sa ikinasang buy-bust operation sa Tondo at Port Area, Maynila sa magkasunod na oras Lunes ng madaling araw.

Ang unang suspek ay nabingwit ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Manila Police District Jose Abad Santos Police Station bandang ala-1:30 ng madaling araw sa riles ng tren ng PNR sa Laong Nasa Street sa Barangay 155.

Ayon sa ulat ni Police Major Manuel Calleja, hepe ng Station 7 SDEU, dahil sa impormante nasukol ang suspek na si alyas ‘Dale”l’, 19 anyos, binata, makaraang ma-recover mula sa kanya ang limang bulto ng shabu na nagkakahalagang P34,000.

Samantala, makaraang magsagawa ng buy bust operation ang mga tauhan ng SDEU sa pangunguna ni Police Lieutenant Colonel Emmanuel Gomez, Station Commander ng MPD Baseco Police Station, nadampot naman ang dalawa pang suspek bandang alas-4:30 ng madaling araw na kinilalang sina alyas ‘Papang’, 55 anyos, jobless, ng Old Site Baseco Compound, at alyas ‘Jojo’, 29.

Ayon kay Police Master Sergeant Voltaire Yap, nagsagawa sila ng buy-bust operation kaya natimbog ang mga suspek. Nakuha sa kanila ang target ng operasyon na tinatayang 6 na bultong shabu na nagkakahalaga ng P40,800.

(RENE CRISOSTOMO)

42

Related posts

Leave a Comment