LUMAYLAY ang trust at performance ratings ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., nito lamang buwan ng Marso.
Panahon kung kailan inaresto at ipinadala sa The Hague, The Netherlands si dating pangulong Rodrigo Duterte.
Kung lagapak si Marcos, bumuti naman ang trust at performance ratings ni Vice President Sara Duterte.
Makikita sa resulta sa kamakailan lamang na survey ng Pulse Asia Research para sa kanilang March 2025 Ulat ng Bayan survey, bumaba ng 17% puntos ang approval rating ni Pangulong Marcos mula sa 42% noong Pebrero sa 25% nitong Marso.
Ang kanyang disapproval rating ay umakyat naman ng 21 puntos o 53%.
Sinasabing, mayorya ng mga Pilipino o 54% ay nagpahayag din ng kanilang kawalan ng tiwala sa Pangulo, tumaas mula sa dating 32%. Bumaba rin ang kanyang trust rating 42% noong Pebrero ay naging 25% nitong Marso.
Samantala, tanging si VP Sara ang mataas na opisyal ng pamahalaan na nakakuha ng maayos na performance ratings, ang kanyang approval rating ay tumaas ng 59% mula sa 52%; at ang disapproval rating naman nito ay bumaba sa 16% mula sa 26%.
Tumaas din ang trust score ni VP Sara ng 8% puntos mula 53% noong pebrero ay naging 61% ng Marso.
Ang survey ay isinagawa mul March 23 hanggang 29, 2025, may 2,400 adult Filipino ang kinapanayam sa pamamagitan ng multistage probability sampling.
(CHRISTIAN DALE)
