HAWAK na ng Philippine National Police ang sinasabing suspek sa pagpatay sa pito katao, Martes ng umaga sa pinapasukan nilang panaderya sa Purok 1, Zone 8, Cupang, Antipolo City.
Sumuko umano ang suspek sa PNP headquarters sa Camp Crame, Quezon City ilang oras matapos ang malagim na krimen na ikinasawi ng pitong lalaki.
Ayon sa Rizal Provincial Police Office, sinisilip din nila ang ibang anggulo gaya ng posibilidad na may iba pang suspek sa pagpatay.
Ginawa ni Provincial Director PCol. Felipe Maraggun ang pahayag sa harap ng ilang katanungan, tulad ng kung paano napatay ng suspek na si Bogart Ramirez ang pito nang wala man lang itong sugat at palatandaan ng struggle o panlalaban sa crime scene.
Inaalam din ng PNP kung natutulog ang mga biktima nang sila ay patayin.
Sinasabing magkakatabi sa sala ang mga biktima at may iba na nasa kwarto nang pagsasaksakin bandang alas-6:00 ng umaga.
(JESSE KABEL RUIZ)
