BINIGYAN ng Plaque of Appreciation si Mayor Romeo Villaceran ng Madridejos, Cebu kasama ang kanyang first lady na si Violy sa 43rd reunion ng Madridejos Provincial High School (MPHS) Batch 82.
Si Villaceran ay isa sa mga nagtapos sa nasabing paaralan at ikinararangal sa kanyang mga naiambag sa kanilang bayan kahit sa unang termino palang niya sa pamahalaang bayan.
Kabilang sa kanyang mga proyekto ang pagpapagawa ng mga kalsada sa barangay, bagong munisipyo, ospital, pantalan, bantay dagat, college education at kalusugan. Gayundin ang tulong sa mga senior citizen.
Pinangunahan ni Marsolito “Boyax” Reposilo, pangulo ng Batch ’82 ang pagbibigay ng plake na ginanap sa Maalat Pool Park Resort sa Brgy. Maalat, Madridejos, Cebu.
(DANNY BACOLOD)
