KALABOSO ang isang rapper at kasama nito makaraang bentahan ng baril ang CIDG poseur buyer sa ikinasang entrapment operation sa Malabon City.
Kinilala ni CIDG director, Police Major Gen. Nicholas Torre III ang suspek na si alyas “Rovi”, may entertainment name na “Slick One”, dating singer ng grupong Breezy Boys.
Napag-alaman na miyembro ng “Laguna Group” ang suspek na sangkot umano sa pagbebenta ng armas sa CaMaNaVa area.
Kasama rin sa dinampot ang kanyang kasabwat na si alyas “Mark” sa pagbebenta ng .38 kalibre ng baril sa Paradise Village, Barangay Tonsuya sa nabanggit na Lungsod.
Lumitaw sa isinagawang imbestigasyon ng CIDG, rider ng isang delivery apps si Slick One na ginagamit umano nito sa ilegal na gawain.
Nakapiit sa Northern Field Unit ng CIDG ang mga suspek habang inihahanda ang kaukulang kasong isasampa sa mga ito.
(TOTO NABAJA)
