PATONG-PATONG na kaso ang kinahaharap ng isang lalaki makaraang ireklamo ng isang 14-anyos na dalagita na umano’y paulit-ulit na inabuso nito at pinagbantaan na ipakakalat ang kanilang sex video kapalit ng kanilang pagkikita sa Bacoor City, Cavite noong Sabado ng hapon.
Nahaharap sa kasong grave threat, grave coercion, attempted rape in relation to RA 11648, Art. 151 ng Revised Penal Code, at RA 10591 (Illegal Possession of Firearms and Ammunition) at multiple counts ng statutory rape ang suspek na si alyas “Jun” dahil sa reklamo ng isang 14-anyos na dalagitang naninirahan sa Barangay Toklong, Kawit, Cavite..
Ayon sa sumbong ng biktima kasama ang kanya ama, gustong makipagkita sa kanya ang suspek at kung hindi siya susunod ay nagbantang ipakakalat ang kanilang sex video sa ibang tao at sa social media.
Ayon pa sa imbestigasyon, nagkaroon umano ng pagtatalik ang biktima at suspek na nangyari lamang kamakailan bandang ala-1:00 ng hapon sa Bakasyonista Travel Hotel sa Brgy. Habay 2, Bacoor City, Cavite.
Dahil dito, agad nagsagawa ng entrapment operation ang Bacoor City Police Women’s and Children Division at SWAT at sa muling pagkikita ng dalawa sa lugar at sa aktong muling isasagawa ang panghahalay ay inaresto ang suspek.
Tinangkang pumalag ang suspek dahilan ng mga sugat sa kanyang katawan.
Nakuha mula sa pag-iingat ng suspek ang isang .38 kalibreng baril, isang bala at 2 fired cartridges, isang cellphone kung saan mapapanood ang kanilang sex video, at isang motorsiklo.
(SIGFRED ADSUARA)
90 