GRACE RETOKADA UNTOUCHABLE SA BI?

BISTADOR ni RUDY SIM

NOONG nakaraang taon ay pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang ground breaking ceremony sa Nueva Ecija sa pinakamalaking integrated solar project na may malaking papel sa pag-supply ng clean energy sa milyon-milyong pamilya sa bansa. Pero ang tila magandang layunin ng Pangulo ay sinisira ng ilang tiwaling tauhan diumano ng Intelligence Division ng Bureau of Immigration.

Ayon sa nakalap nating impormasyon, higit 300 Chinese nationals dito ang dinampot ng dalawang opisyal na nagpakilalang sina Marco at Mendez mula sa BI-Region 3, dahil umano sa kakulangan sa working permits ng mga dayuhan at halos wala sa kalahati dito ang binitbit sa Maynila sa kanilang operasyon kuno… Anyare? Alam kaya ito ng kanilang boss sa intelligence na si alias “Mang Kanor” o sadyang “Bukol”? Aray ko!

Habang nakatutok ang taumbayan sa kaguluhang nangyayari ngayon sa Senado mula sa pagtakas ni Senator Ronald “Bato” Dela Rosa at sa numerong hinahabol ng minority senators upang makuha ang Senate Presidency, ay tila sinasamantala naman ng mga kamoteng tauhan ng intelligence ang pagkakataon na makapangotong sa mga dayuhan. Hindi ba kayo nahiya sa kapal ng pagmumukha ninyong mga hinayupak kayo at nakakayanan ng sikmura ninyong ipakain sa inyong pamilya ang pera galing sa pangongotong?

Samantala, bakit tila nasulit itong isang babaeng BI official at hindi nito nabasa o sadyang nakapikit nang kanyang aprubahan ang accreditation ng isang super lakas na nagmamay ari ng maraming kwestyunableng travel agencies na ilan dito diumano ay bogus? Sa rules ng BI Accreditation, sa nilagdaan ng bawat miyembro ng liaison officers, nakasaad sa “#8, I also declare that I have no relative within the 3rd degree of consanguinity or affinity working within the Bureau of Immigration”, ayan madam sa Tagalog ay “wag kang makiki-apid” este, bakit alam ninyong asawa itong si alias “Grace Retokada” ng isang empleyado ng ahensya na si alias “Cartel” pero nakalusot pa rin? Anyare?

Ayon sa nakuha nating impormasyon mula sa DOLE ay bogus ang ilang kompanya nitong si alias “Grace Retokada” o “Salamat Dok”, sa mga Alien Employment Permit ng mga dayuhang kumukuha ng ID, kakutsaba umano ang isang alias “Bebeth” ng DOLE-NCR na dapat sana ay sumusuri nang maigi kung existing ba o ghost office ang inilagay na address ng isang kompanya kuno ng mga dayuhan.

Dahilan kaya kung bakit napakalakas ng babaeng ito sa BI at DOLE ay dahil sa asawa nito ang isang empleyado ng BI na nakatalaga sa Immigration Regulations Division? Musta na kaya si Junjun? Hmm… Teka! Ito rin ba ang dahilan kung bakit wala sa listahan ni Mang Kanor ng Intelligence Division, ang mga kompanya nitong si Grace Retokada na dapat nilang imbestigahan dahil busog ang kanilang bulsa? Member din kaya ng Salamat Dok itong si Bebeth? Sa susunod ay papangalanan na natin ang mga bogus na kompanya nitong si Grace Retokada. Abangan!

Sino naman kaya itong isang tirador ni Mang Kanor na si alias “Char,” ang kinakausap di-umano ang mga nagmamay-ari ng travel agencies na kung hindi raw magbibigay sa kanila ay isasama sila sa mga iimbestigahan kung tunay ang mga papeles ng kanilang kliyente at matapos magkasundo ay isang alias “Bunso” sa Intelligence Division, na kanilang alagang poodle, ang kukuha ng napag-usapang halaga. Paldo na naman ang mga kupal…

Tinatawagan natin ng pansin ang Senado partikular ang Senate Blue Ribbon Committee na bigyan ng panahon upang imbestigahan ang liaison officers na gumagawa ng bogus… Attention Senator Imee Marcos Manang! ‘Wag na itong si Hontiveros na nanahimik na matapos ang Pastillas Scandal sa BI.

(Ang mga ipinapahayag sa kolum na ito ay sariling opinyon ng sumulat at hindi saloobin ng pahayagang SAKSI Ngayon – Patnugot)

109

Related posts

Leave a Comment