ISANG linggo matapos ang pagguho ng siyam na palapag na gusali sa Barangay Balibago, Angeles City, Pampanga, natagpuan ng rescuers ang ikapitong bangkay sa naipit na construction workers.
Tiniyak ng mga abogado ng may-ari na si Ernest Jackson Lim, at ng kontratista na Golden Years and Steel Works, sa pamilya ng mga biktima na sasagutin nila ang mga gastusin sa libing at burol.
“Ang aming prayoridad ngayon ay tulungan ang mga pamilya ng mga nasawi,” ayon kay Atty. Nico Manguerra.
Ang ika-7 na nasawi ay narekober mula sa mga guho dakong alas-7:42 ng umaga nitong Linggo habang pinabibilis ng nagrespondeng responders ang mga operasyon sa search, rescue and retrieval, sa pag-asang matagpuan pa ang mga posibleng nakaligtas sa ground zero.
Hindi pa natukoy ang pagkakakilanlan ng ika-7 na nasawi. Ang unang anim na nasawi na narekober sa lugar ay kinilalang sina Roberto Sabile, ama ng ika-5 biktima na kinilalang si Christian Sabile, na natagpuan ng isang K9 rescue unit ng Philippine Coast Guard, isang araw makaraan ang insidente; Mohd Rezal Abdullah, isang Malaysian national; Mark Laurence Capungay, Porperio Alikaway, Christian Sabile, pawang mga construction worker, at isang hindi pa nakikilalang lalaki.
Sinabi ni Atty. Manguerra, makikipagtulungan sila sa Angeles City LGU, na bumuo ng isang fact-finding body upang imbestigahan ang pagguho ng gusali. Aniya, magsasagawa sila ng parallel na imbestigasyon hinggil sa insidente.
(ELOISA SILVERIO)
95 