ARESTADO ang isang dance instructor at isa pang lalaki sa isinagawang buy-bust operation ng mga tauhan ng Tiaong Police Station-Drug Enforcement Unit (DEU) sa Sitio Crossing, Brgy. Lalig, Tiaong, Quezon pasado alas-6:25 ng umaga noong Mayo 28, 2026.
Kinilala ang mga suspek na sina alyas “Randy”, 49-anyos, at “Gary”, 53-anyos.
Nakumpiska sa operasyon ang isang plastic bag at tatlong sachet ng hinihinalang shabu na may kabuuang timbang na 107.25 gramo.
Nakumpiska sa mga suspek ang aabot sa P2,187,900 halaga ng ilegal na substance, buy-bust money at iba pang mga ebidensya.
Kasalukuyang inihahanda ang kasong paglabag sa Section 5 at Section 11 ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 laban sa mga suspek.
Samantala, pinuri ni PCol. Romulo A. Albacea, Provincial Director ng Quezon PPO, ang matagumpay na operasyon ng mga operatiba ng Tiaong MPS.
(NILOU DEL CARMEN)
87 