53 NANALONG PARTY-LISTS NAIPROKLAMA NA

PORMAL nang iprinoklama ng Commission on Elections ang 53 nanalong party-lists para sa 63 upuan sa Kongreso sa seremonya sa The Tent Manila Hotel. (Danny Bacolod)

KASUNOD ng proklamasyon ng mga nanalong party-list, inihayag ng Comelec ang planong i-overhaul ang batas patungkol sa lalahok na party-list para sa susunod na halalan sa bansa.

Kasunod din ito ng target ng komisyon na ipagbawal ang paggamit ng pangalan ng teleserye o ayuda bilang pangalan ng party-list.

Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, naniniwala silang napapanahon na para baguhin ang batas patungkol sa party-list para mapigilan ang ilang political clan o pamilya na gawing extension ang isang party-list.

Paliwanag ng opisyal, sigurado aniya siya na hindi kakatigan ng Korte Suprema kung Comelec lang ang mag-uutos nito.

Aminado si Garcia na hindi basta-basta nalalaman ng Comelec ang mga mismong nominee ng isang party-list sa accreditation pa lamang.

Ayon kay Garcia, sa pagsisimula ang accreditation ng isang party-list, nagsusumite ang mga ito ng temporary nominees.

Dahil aniya ayon sa batas, sapat na ang iisang adbokasiya para maging nominee ng isang party-list, ay napapalitan ito ng mga personalidad na konektado sa political groups.

Dahil dito, naniniwala si Garcia na panahon na para i-overhaul ang party list law.

(JOCELYN DOMENDEN)

43

Related posts

Leave a Comment