KASO NG RAPE SA AFP KINONDENA NG GABRIELA

MARIING kinondena ng grupong Gabriela ang napaulat na panggagahasa ng isang high-ranking official ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa dalawang babaeng junior officer dahil nagpapatunay lamang umano ito na malalim na ang ‘culture of impunity’ at mga karahasan sa kababaihan sa hanay ng militar.

“Military officials who shamelessly abuse women must be held accountable immediately! Walang puwang sa lipunan ang mga nang-aabuso ng kapangyarihan para manggahasa at manakit ng kababaihan,” deklara ni Gabriela secretary-general Clarice Palce.

“Kung nagagawa ng mga opisyal ng militar na abusuhin ang mga junior officers nila, paano pa ang ordinaryong mga kababaihan at mga bata sa kanayunan na walang kalaban-laban?” punto pa ni Palce.

Ayon sa kanya, marami na umanong kaso ng sexual abuse at violence ang kanilang naidokumento na kinasasangkutan ng mga sundalo sa iba’t ibang panig ng bansa.

Kabilang na dito ang kaso ng isang 15-anyos na batang babae sa Southern Tagalog na dinukot umano, pinahirapan at ilang ulit na ginahasa ng isang miyembro ng Citizen Armed Force Geographical Unit o CAFGU sa gitna ng isang military operation.

“Paulit-ulit naming sinasabi na hindi ito pawang mga isolated case,” tinukoy ni Palce na nagpahayag din ng pagkabahala dahil maging ang mga kababaihan sa AFP ay hindi rin ligtas sa pang-aabuso ng mga nakakataas sa kanilang opisyal.

“Ang kultura ng karahasan at pang-aabuso sa loob ng AFP ay nagpapakita sa lalim ng ugat ng machismo at kawalang-pananagutan sa institusyong ito. Many victims remain silent due to fear of retribution, especially when their abusers are powerful men with weapons and institutional backing,” dagdag pa nito.

Dahil sa pagkakaulat muli ng insidente ng rape sa hanay ng mga sundalo, susubaybayan umano ang nasabing kaso sa AFP upang masiguro na mabibigyan ng katarungan ang mga inabusong biktima.

(BERNARD TAGUINOD)

59

Related posts

Leave a Comment