BLUE ALERT STATUS ITINAAS SA PANANALASA NG LPA

NAKATAAS sa ‘blue alert status’ ang Disaster Response Command Center (DRCC) bunsod ng umiiral na low pressure area (LPA) sa Visayas.

Ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), naka-monitor ito sa development ng LPA na namataan sa silangang bahagi ng Guiuan, Eastern Visayas.

Alinsunod nito, sinabi ng DSWD na naka-preposition na ang tatlong milyong kahon ng family food packs (FFPs), na may mahigit na 360,000 non-food items, sa iba’ibang ‘hubs, spokes, at ang huling milya sa iba’t ibang panig ng bansa, alinsunod sa direktiba ni Secretary Rex Gatchalian.

“Following the order from the National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), DSWD’s DRCC is now fully activated to monitor and prepare for any possible effects of the weather disturbance,” ayon kay Secretary Irene Dumlao ng Disaster Response Management Group (DRMG) ng DSWD.

Bukod sa naka-preposition na relief items, ang response teams sa iba’t ibang DSWD Field Offices ay naka-standby at mahigpit na nakikipag-ugnayan sa Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA), NDRRMC, at local government units (LGUs), ayon sa departamento.

Kahit pa sa pagdiriwang ng Eid’l Adha, sinabi ng DSWD na ang Quick Response Team (QRT) ay magsasagawa ng duty briefing at ipinagpapatuloy naman ng agency personnel ang kanilang trabaho upang matiyak ang napapanahong tulong na makaabot sa komunidad kung kinakailangan.

Samantala, pinaalalahanan ng DSWD ang publiko na manatiling alerto at i-monitor ang periodic announcements mula sa lokal na awtoridad.

(CHRISTIAN DALE)

12

Related posts

Leave a Comment