1.5 TONELADANG SHABU NASABAT NG PHIL. NAVY

UMABOT sa 1.5 tonelada ng shabu na may street value na aabot sa P10 bilyon, ang nasabat ng Northern Luzon Naval Command, sa ilalim ng AFP Northern Luzon Command, sakay ng isa Philippine registered fishing vessel sa karagatang sakop ng Zambales noong Biyernes ng madaling araw.

Ayon kay Philippine Navy spokesperson Capt. John Percie Alcos, sakay ng nasabat na fishing vessel ang ilang foreign nationals.

“This is one of the largest illegal drug apprehensions in the history of the Philippine Navy,” ani Capt. Alcos sa kanilang ulat kay Navy Flag Officer in Command Vice Admiral Jose Ambrosio Ezpeleta.

Agad na inutos ni Vadm. Ezpeleta na ilipat sa Naval Operating Base sa Subic, Zambales ang nasabat na droga para sa proper documentation at isasagawang turnover sa Philippine Drug Enforcement Agency, na naging katuwang din ng NLNC na pinamumunuan ni Commodore Edward Ike De Sagon sa nasabing operation.

Agad ding isasalang sa follow-up investigation ang mga sakay ng nasabat ng fishing boat.

(JESSE KABEL RUIZ RUIZ)

14

Related posts

Leave a Comment