MEDIA GINAWARAN NG PAGKILALA NG AFP

GINAWARAN ng pagkilala ng Armed Forces of the Philippines ang mahalagang papel na ginagampanan ng mga kasapi ng media sa paglalahad sa sakripisyo at mga pangangailangan ng kasundaluhan at maging sa paglalantad ng katotohanan sa gitna ng nararanasang tensyon sa bahagi ng West Philippine.

Pinangunahan ni Philippine Air Force commanding general, Lt. Gen. Arthur M. Cordura ang paggawad ng pagkilala at pasasalamat sa ilang radio, television and media network.

Bilang bahagi ng nakatakdang pagdiriwang ng kanilang ika-78 anibersaryo, binigyang pagkilala rin ni Lt. Gen. Cordura ang ilang mamamahayag sa kanilang naging ambag sa pagsisiwalat ng mga tunay na kaganapan partikular sa West Philippine Sea, at sa papel na ginagampanan ng kasundaluhan partikular ang mga kasapi ng Philippine Air Force at Philippine Navy na nakatutok sa pagbabantay sa maritime domain ng Pilipinas.

May temang “FOCUS PAF @78: Advancing Air Power by Committing to Mission, Strengthening Capabilities, and Championing Core Values, ang magaganap na paggunita ng Air Force sa kanilang anibersaryo sa susunod na buwan.

Ayon kay Lt. Gen. Cordura, ang aktibidad ay simbolo ng tunay na bayanihan at patunay ng pangakong tuloy-tuloy na serbisyo ng PAF sa mamamayang Pilipino
“The 78th anniversary theme, ‘Focus PAF @78: Advancing Air Power by Committing to Mission, Strengthening Capabilities, and Championing Core Values,’ encapsulates the PAF’s enduring commitment to national security. It also reflects its evolving mission to safeguard Philippine airspace amid an increasingly complex global environment,” ayon sa heneral.

(JESSE KABEL RUIZ)

38

Related posts

Leave a Comment