CAVITE – Himas-rehas ang isang hinihinalang tulak na nasa listahan ng high value Individuals (HVIs) ng pulisya, makaraang nasakote sa buy-bust operation at makumpiskahan ng halos kalahating milyong pisong halaga ng umano’y shabu sa Dasmariñas City kahapon ng madaling araw.
Ayon sa ulat, nagsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Section 2 City Drug Enforcement Unit ng Dasmariñas Component City Police Station bandang ala-1:10 ng madaling araw na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek na si alyas “Mar” matapos makipag-transaksiyon sa poseur buyer sa Brgy. San Andres 1, Dasmariñas City.
Nakuha sa suspek ang tinatayang 65 gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug price na P442,000.00 at buy-bust money na ginamit sa operasyon.
(SIGFRED ADSUARA)
173 