VAULT NG CONVENIENCE STORE NILIMAS NG KAWATAN

CAVITE – Uminom muna ng tsokolate saka nilimas ang laman ng vault ng isang lalaki na nanloob sa isang kilalang convenience store sa bayan ng Rosario sa lalawigan noong Lunes ng madaling araw.

Inilarawan ang suspek na nakasuot ng itim na jacket, itim na short at yellow t-shirt at nakasuot ng face mask.

Ayon kay Nocon Inique, 31, store crew ng convenience store sa Marsiela Road, Brgy. Silangan 1, Rosario, Cavite dakong alas-7:00 ng umaga nang natuklasan nito ang panloloob sa tindahan nang napansin nito ang ilang bote ng tsokolate na basag at nagkalat sa sahig at nawawala ang P5,000 cash na laman ng vault.

Napansin din ng store crew na butas ang bubungan ng tindahan na pinaniniwalaang dito dumaan papasok at palabas ang suspek.

Nagsasagawa ng backtracking ang pulisya sa CCTV kung saan nakunan ang suspek sa loob ng tindahan para sa pagkakakilanlan at posibleng pag-aresto.

(SIGFRED ADSUARA)

66

Related posts

Leave a Comment