OPISYAL nang sinampahan ng kasong administratibo ang isang police major kaugnay sa umano’y sexual harassment sa isang kadete ng Philippine National Police Academy (PNPA).
Ayon sa National Police Commission (Napolcom), binuksan nito ang imbestigasyon sa naturang kaso.
Nabatid na nitong Biyernes ay sinampahan ng reklamo ng Inspection, Monitoring and Investigation Service (IMIS) ng NAPOLCOM ang police major sa ilalim ng Legal Affairs Service ng ahensya para sa grave misconduct at conduct unbecoming of a police officer.
Sinasabing ang kinasuhang police major na isang tactical officer sa Philippine National Police Academy (PNPA), ay inaresto matapos na lasingin ang isang lalaking kadete at pagsamantalahan sa loob ng police training academy sa Silang, Cavite noong Hulyo 31.
Bukod sa kasong administratibo, sinampahan na rin umano ang police officer ng kasong acts of lasciviousness sa Silang-Amadeo Municipal Circuit Trial Court noong Agosto 7.
(JESSE RUIZ)
143 