MAG-AMANG BINAY ABSWELTO SA P2.2-B MAKATI PARKING BUILDING

INABSWELTO ng Sandiganbayan ang mag-amang dating Vice President Jejomar Binay at dating Makati Mayor Junjun Binay kaugnay ng mga kasong graft, falsification of public documents, at malversation of public funds hinggil sa kontrobersyal na P2.2 bilyong Makati City Parking Building project.

Base sa inilabas na desisyon ng Third Division ng anti-graft court, walang sapat na ebidensya ang prosekusyon para patunayan ang kasalanan ng mga akusado “beyond reasonable doubt.”

Bukod sa pinawalang-sala, na-lift na rin at kasama sa desisyon ang pag-alis ng Hold Departure Order (HDO) laban sa mga Binay at iba pang akusado.

Hindi rin sila pinatawan ng civil liability dahil sa kawalan ng sapat na ebidensya.

Magugunitang si dating VP Jejomar Binay ay kinasuhan sa mga unang bahagi ng proyekto noong siya pa ang alkalde ng Makati.

Habang si Junjun Binay naman ay kinasuhan sa mga huling yugto ng proyekto, kabilang ang mga kontrata na umano’y may kakulangan sa dokumentasyon at performance security.

Ang mga kasong ito ay isinampa noong 2016, matapos ang termino ni Binay bilang pangalawang pangulo ng bansa.

(JULIET PACOT)

121

Related posts

Leave a Comment