4 CONTRACTORS PINAGPAPALIWANAG SA CAMPAIGN CONTRIBUTIONS

HIHILINGIN ng Commission on Elections (Comelec) sa apat na contractors na ipaliwanag ang kanilang panig sa umano’y ipinagbabawal na campaign contributions, ayon kay Comelec Chairman George Garcia.

Ang usapin ay kaugnay sa contractors na isiniwalat ni Pangulong Bongbong Marcos Jr., at mga senador sa maanomalyang flood control projects sa buong bansa.

Sinabi ni Garcia, nakatanggap sila ng tip na ang apat na contractor ng gobyerno ay nagbibigay ng campaign contributions sa ilang politiko.

Ayon kay Garcia, susulatan nila ang mga contractor na ito upang magpaliwanag.

Samantala, binanggit ni Garcia na sa ngayon, ang batas ay nalalapat lamang sa “natural at judicial’ na campaign contributions.

Sa ngayon, inaalam pa ng Comelec kung ang liability ay maaaring umabot din sa mga kandidatong tumanggap ng kontribusyon.

Paliwanag ni Garcia, iniimbestigahan nila ang 2022 SOCE ng mga kandidato dahil sa loob lamang ng limang taon matapos ang halalan maaaring imbestigahan ang SOCE.

(JOCELYN DOMENDEN)

100

Related posts

Leave a Comment