NAKIPAGPULONG si Senador Erwin Tulfo kay French Ambassador Marie Fontanel noong Setyembre 2 upang talakayin ang posibleng pamumuhunan ng France sa transportasyon, imprastraktura, at turismo sa Pilipinas, partikular sa Palawan.
Binigyang-diin ni Tulfo ang hakbang ng pamahalaan na pagandahin ang ease of doing business at inihayag ang plano niyang repasuhin ang mandato ng Anti-Red Tape Authority (ARTA) upang makaakit ng mas maraming dayuhang mamumuhunan.
Kabilang sa mga ideyang natalakay ang pagtatayo ng shipyard, railway system, at expressway mula hilaga hanggang timog ng Palawan. Ayon kay Fontanel, mas madali na ngayon ang pagnenegosyo sa Pilipinas kumpara noon.
Itinutulak din ni Tulfo ang Palawan bilang sentro ng sustainable tourism at logistics na maaaring magsilbing gateway para sa regional at international na kalakalan.
113 