SINO itong dalawang mataas na opisyal ng pamahalaan na hindi lang magkasosyo sa “tongpats” kundi tila magka-relasyon pa?
Ayon sa mga usap-usapan, hindi lang simpleng “kickback” ang usapan dito—may nakatakda pa umanong quota: hindi bababa sa ₱20 milyon kada linggo ang dapat makolekta.
Hindi pa roon nagtatapos. May itinalagang lingguhang “parte” rin ang alalay na opisyal, tinatayang nasa ₱200,000. Ang masaklap, imbes na mapunta sa pondo ng bayan, napupunta raw ang milyong ito sa kanilang personal na bulsa at luho.
Bukod sa pera, usap-usapan na may mamahaling gamit at luxury bags na regular na naibibigay sa kay lady official bilang dagdag “koleksyon.” Mas lalong umingay ang usapan nang makailang ulit umanong namataan ang dalawang opisyal na magkasunod na lumabas mula sa iisang kuwarto ng isang high-end na hotel.
Para sa mga nakakakilala sa kanila, malinaw na ang pagiging magkasangga sa “negosyo” ay lumampas na rin sa personal na relasyon. Hanggang ngayon, nananatili pa ring palaisipan kung kailan at paano mabubunyag ang tunay na pagkakakilanlan ng dalawang ito.
Bantayan natin kung saan hahantong ang sumingaw na isyung ito — dahil sa dulo, pera ng taumbayan ang nakataya.
