PINANGALANAN ni Pacifico Discaya, may-ari ng St. Gerard General Contractor and Development Corporation ang ilang kongresista, opisyal ng Department of Public Works and Highways at iba pang personalidad na tumatanggap ng komisyon sa kanilang mga proyekto.
Sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee, sinabi ni Discaya na hinihingan sila ng porsyentong hindi bababa sa 10 percent at umaabot pa sa 25% na naging kondisyon upang hindi maipit ang implementasyon ng kanilang mga kontrata.
Ito anya ay binibigay nila ng cash at ang bawat transaksyon ay may karampatang voucher at ledger na nagsasaad ng mga araw kung kailan nila ito natanggap.
Ilan anya sa mga ito ay sina:
Terrence Calatrava, former Undersecretary of Office of the Presidential Assistant to the Visayas;
Cong Roman Romulo of Pasig City;
Cong Jojo Ang, Uswag Ilonggo Party-list;
Congressman Patrick Michael Vargas ng Quezon City;
Cong Juan Carlos Arjo Atayde ng Quezon City;
Cong Nicanor Nikki Briones ng Agap Party-list;
Congressman Marcelino Marcy Teodoro ng Marikina;
Congressman Florida Robes ng San Jose del Monte, Bulacan;
Congressman Leandro Jesus Madrona ng Romblon;
Congressman Benjamin Benjie Agarao, Jr.;
Congressman Florencio Gabriel Bem Noel ng Anwaray, Party-list;
Cong Leody Ode Tariela ng Occidental Mindoro;
Congressman Reynante Reynan Arogancia ng Quezon City;
Cong Marvin Rillo ng Quezon City;
Cong Teodoro Jaresco ng Aklan;
Cong Antonieta Yudela ng Zamboanga Sibugay;
Cong Dean Asistio ng Caloocan;
Cong Marivic Copilar ng Quezon City.
Mayroon din anyang mga kinatawan ng ilang politiko na nakikipagtagpo sa kanila upang manghingi ng porsyento kapalit ng 25 porsyento ng mga proyekto. Ilan sa kanila ay sina:
Regional Director Eduardo Virgilio ng DPWH Region 5; Director Ramon Arriola III ng Unified Management Upmo; District Engineer Henry Alcantara, DPWH Bulacan First; Undersecretary Robert Bernardo; District Engineer Aristotle Ramos of DPWH Metro First PAsig City; District Engineer Manny Bulusan of DPWH North Manila, DEO; District Engineer Edgardo C. Pingol of DPWH Bulacan Sub-DEO; District Engineer Michael Rosaria of DPWH Quezon Second, DEO.
Sinabi ni Discaya na karamihan sa mga kawani ng DPWH na nabanggit sa itaas ay paulit-ulit na binabanggit na ang delivery ng pera ay para kay Cong Zaldy Co na dapat at least 25%.
Si Cong Marvin Rillo naman anya ay ilang beses na binabanggit ang pangalan ni Speaker Martin Romualdez bilang kanyang malapit na kaibigan.
Sa tuwing umiinom din anya sila sa Wine Story, sa BGC, at Edsa Shangri-La Mall, sinasabi ni Cong Rillo na lahat ng kanyang request para sa pondo ay galing pa mismo sa unprogrammed funds at insertion na inaaprubahan ni Speaker.
Idinagdag pa ni Discaya na ang tao ni Marvin Rillo na si Bogs Magalong ang pumupunta sa kanila para kunin ang pera habang si Cong Jojo Ang anya ay laging binabanggit sa lahat ng projects sa kanya ay papondo ni Speaker at ni Zaldy Co.
Binanggit din ni Discaya na sa lungsod ng Pasig, lumapit sa kanya ang DPWH Project Engineer na si Angelita Garucha para kolektahin ang parte ni Cong Roman Romulo sa flood control projects noong 2022.
Nitong 2025, si District Engineer Aristotle Ramos ang sumunod na nagpakilala na bagman ni Cong Roman Romulo kung saan 30% ang kanyang hiningi.
Para ngayong taon kasama sa pinangalanan ni Discaya na tumanggap ng komisyon ay sina:
Cong Antonieta Yudela kasama ang kanyang asawa; Cong Marvin Rillo ng Quezon City; Cong Nicky Briones ng Agap Party-list; Arturo N. Atayde, ama ni Cong Arjo Atayde; Cong Florencio Gabriel Bem Noel ng An Waray Party-list; Cong Eleandro Jesus Madrona ng Romblon; at Cong Benjamin Benjie Agarao Jr.
Tiniyak naman ng mga Discaya na sa kabila ng mga komisyon na kanilang ipinamamahagi ay sinusunod pa rin umano nila ang specifications sa mga proyekto.
Mga Kongresista
Kanya-kanyang depensa
Tulad ng inaasahan, kanya-kanyang hugas-kamay ang mga kongresistang idinawit ng mag-asawang Discaya sa umano’y anomalya sa flood control projects, habang nananatiling tahimik si Ako Bicol party-list Rep. Zaldy Co.
Mariing itinanggi ni House Speaker Martin Romualdez ang paggamit umano sa kanyang pangalan bilang “pang-komisyon” ng ilang opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH).
“I cannot and will not allow lies and name-dropping to pass unchecked. The claim in the Discaya couple’s affidavit that my name was used for commissions is false, malicious, and nothing more than name-dropping. Let me be clear: wala akong kinalaman, wala akong pahintulot, at wala akong basbas sa mga ganyang gawain,” ani Romualdez.
“Kung may nang-abuso o gumamit ng pangalan ko para kumita, sila ang dapat managot—kahit sino pa sila, sa loob o labas ng gobyerno. But let us not allow lies and name-dropping to destroy reputations or weaken faith in Congress,” dagdag pa ni Romualdez.
Samantala, naghahanda si Quezon City Rep. Arjo Atayde na magsampa ng kaso laban sa mga Discaya.
“I categorically deny the allegation that I benefited from any contractor. I have never dealt with them. Hindi po totoo ang mga akusasyon na ito… I will avail of all remedies under the law to clear my name and hold accountable those who spread these falsehoods,” pahayag ni Atayde.
Mariin ding itinanggi ni Marikina Rep. Marcy Teodoro ang alegasyon: “Nabigla ako, di ako nakaupong congressman noon. Si Cong BF (Bayani Fernando) pa, wala ako sa posisyon noon.”
Gayundin si Romblon Rep. Eleandro Madrona na nagsabing wala siyang transaksyon kay Discaya: “Kung sino man gumagamit ng pangalan ko, mangilabot naman kayo!” dagdag pa niya.
Sunod-sunod na rin ang pagtanggi ng iba pang mga mambabatas tulad nina dating San Jose del Monte Rep. Florida Robes, Occidental Mindoro Rep. Leody Tarriela, Pasig Rep. Roman Romulo, AGAP Rep. Nikkie Briones, dating Anwaray Rep. Bem Noel, Laguna Rep. Benjie Agarao Jr., Quezon Rep. Reynante Arrogancia, Aklan Rep. Teodorico Haresco Jr., Caloocan Rep. Dean Asistio, Quezon City Reps. PM Vargas at Marivic Co-Pilar, at Zamboanga Sibugay Rep. Antonieta Eudela.
Ayon kay Vargas: “One hundred percent (100%) not true. Ano kaya ang motibo nila? Walang project ang mga Discaya sa district natin kailanman. Zero. This is confirmed and certified. I will file a case against them for this blatant lie. My track record speaks for itself.”
Habang kaliwa’t kanan ang paglilinaw ng iba’t ibang kongresista, nananatili pa ring tikom ang bibig ni Rep. Zaldy Co—isang katahimikan na lalo lang nag-uudyok ng tanong mula sa publiko.
Publiko Nakulangan
Tila nakulangan naman ang publiko sa rebelasyon ng mga Discaya. Sa social media, agad bumaha ng mga komento kaugnay sa anila’y kaduda-dudang pagdidiin ng kontrobersyal na mag-asawang contractor sa mga kongresista at walang nabanggit na senador.
Tanong nila, bakit puro kongresista at mga taga-DPWH ang laman ng ‘blue book’ gayung sila mismo ang umamin na nagsimula silang mangontrata sa flood control projects mula 2016.
Maraming naniniwala na may pinagtatakpan ang mga Discaya. Narito ang ilang sa mga komento:
“Masyadong fishy na walang DDS personalities involved samantalang sinabi na ni Sarah Discaya na “2016” sila nagsimula sa DPWH flood control project.
Well, na archive nga ng Senado ang impeachment trial ni Sara Duterte so I think its obvious na pinoprotektahan nila ang kapwa DDS.”
“Syempre gigisahin sila ni Marcoleta at Bato . Kalokohan yang hearing na yan. So napakalinis ng Duterte admin? C’mon tell that to the marines.”
“True! Am not biting what they’re saying. Seems to me the congressmen they mentioned all signed Sara’s impeachment.”
“It’s a coy. Walang senador na kasali? We smell the bullsht”
“Straight out of a political playbook. I’m not buying the whole zarzuela but they should still push for investigations. Pero halungkatin pa din lahat ng tumanggap ng kickback from 2016, walang erasures!”
“Saying that no senators were involved was also suspicious. Who are they protecting?”
“It’s like they are protecting someone
Is this another scapegoat theatrics”
(DANG SAMSON-GARCIA/BERNARD TAGUINOD)
292 