IMEE PINANGUNAHAN PAGGUNITA SA 108TH KAARAWAN NI MARCOS SR.

PINANGUNAHAN ni Senadora Imee R. Marcos ang taunang seremonya sa Libingan ng mga Bayani upang gunitain ang ika-108 kaarawan ng kanyang ama, dating pangulong Ferdinand E. Marcos.

Dumalo sa aktibidad ang mga heneral, dating kalihim ng gabinete, at ilang opisyal ng gobyerno na nagsilbi noong kanyang termino.

Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni Marcos ang papel ng kanyang ama sa pagtataguyod ng mga proyektong pang-imprastraktura at programang nakatulong umano sa kaunlaran ng bansa.

“Hindi lamang alaala ng aking ama ang ating ginugunita ngayon, kundi pati na rin ang kanyang ambisyon para sa isang mas maunlad na Pilipinas,” ani Marcos.

Kasama ng senadora sa pagtitipon ang kanyang mga anak na sina Borgy at Atty. Michael Manotoc. Ang seremonya ay bahagi ng taunang paggunita ng pamilya Marcos at kanilang mga tagasuporta sa kapanganakan ng yumaong diktador.

(DANNY BACOLOD)

172

Related posts

Leave a Comment