LIBONG GURO MAGWO-WALKOUT SA WORLD TEACHERS’ DAY

LIBONG guro at education workers ang magwo-walkout sa Oktubre 3, kasabay ng World Teachers’ Day, ayon sa Alliance of Concerned Teachers (ACT) Philippines.

Sa halip na selebrasyon, isang martsa papuntang Mendiola ang idaraos ng mga guro para igiit ang dagdag pondo sa edukasyon, makabuluhang umento sa sahod, at wakas sa korupsyon at burukratang kapitalismo na pumipiga sa pondo ng bayan.

“Hindi simpleng selebrasyon ang World Teachers’ Day ngayong taon.

Ginugutom, pinapabayaan, at ginagatasan ng mga tiwaling opisyal ang edukasyon. Ang tanging tugon ng mga guro:

kolektibong aksyon at paniningil,” diin ni ACT Chairperson Vladimir Quetua.

Dagdag ng grupo, patuloy ang paghihirap ng mga guro sa mababang sahod, sira at siksikang classrooms, kulang na libro at gamit, at trabaho na lampas-lampas. Samantala, bilyon-bilyong piso ang inilalagay sa pork barrel, confidential funds, at anti-insurgency programs gaya ng NTF-ELCAC.

“Ang World Teachers’ Day ay hindi tungkol sa papuri mula sa gobyernong nag-iiwan sa amin.

Ito ay araw ng paglaban—para sa hustisya, dignidad, at tunay na suporta sa edukasyon. Sa Oktubre 3, hindi kami magdiriwang—kami ay lalaban!” pagtatapos ni Quetua.

(DANNY QUERUBIN)

199

Related posts

Leave a Comment