7,000 QCITIZENS, NAKINABANG SA QCPD COMMUNITY DRIVE

MATAGUMPAY ang inilunsad na 160 community engagement activities ng Quezon City Police District (QCPD) sa pangunguna ni Acting District Director PCOL Randy Glenn Silvio mula Setyembre 22–28, 2025.

Umabot sa 7,160 QCitizens ang naabot ng programa sa iba’t ibang barangay sa Quezon City.

Ayon kay PCOL Silvio, ang mga aktibidad na pinangunahan ng iba’t ibang police stations ay idinisenyo upang palakasin ang ugnayan ng pulis at komunidad, maiwasan ang krimen, at matulungan ang mahihina at nangangailangan.

Kasama rito ang feeding program, pamamahagi ng relief goods, outreach services, at information drive kontra illegal drugs, terorismo, at karahasan laban sa kababaihan at mga bata.

Namahagi rin ang QCPD ng IEC materials tungkol sa mga ordinansa ng lungsod para mas mapalawak ang kaalaman ng publiko.

Bukod pa rito, nagsagawa ang pulisya ng school lectures, barangay visits, at community dialogues para magtanim ng positibong pananaw sa hanay ng kabataan at kanilang mga magulang.

Pinalakas din ang pakikipagtulungan sa mga barangay council at lokal na opisyal sa pamamagitan ng mga seminar-workshop na layong patatagin ang seguridad at kontra-krimen na kampanya.

“Ang mga aktibidad na ito ay patunay ng aming pangako na manatiling kaagapay ng mamamayan. Sa pamamagitan ng direktang pakikipag-ugnayan, tiniyak namin na kaligtasan at tiwala ng publiko ang pundasyon ng aming serbisyo sa Quezon City,” pahayag ni PCOL Silvio.

(PAOLO SANTOS)

168

Related posts

Leave a Comment