WOA VS GARMA ‘DI HADLANG SA ICC TESTIMONY – REMULLA

IGINIIT ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na hindi mapipigilan ang pagtestigo ng dating PCSO General Manager Royina Garma sa International Criminal Court (ICC) laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay ng kasong crimes against humanity.

Ito’y kahit may inilabas nang warrant of arrest laban kay Garma sa kasong murder at frustrated murder kaugnay ng pagkamatay ni dating PCSO board secretary Wesley Barayuga.

Sabi ni Remulla, kung nasa abroad na si Garma, malamang ay hindi na ito bumalik ng Pilipinas at dumiretso na lang sa ICC para tumestigo.

Dagdag pa niya, hihingi sila ng koordinasyon sa Bureau of Immigration para mamonitor ang kinaroroonan ng dating opisyal.

(JULIET PACOT)

213

Related posts

Leave a Comment