PASADO sa pamantayan ng US State Department ang Pilipinas sa laban kontra human trafficking.
Sa talaan ng US Department of State, kabilang ang bansa sa 33 na may Tier 1 ranking mula sa kabuuang 188 bansa na sinuri.
Batay sa Trafficking in Persons Report, kinilala na sa ika-10 sunod na taon ang matinding pagsisikap ng pamahalaan laban sa human trafficking at mga paglabag sa karapatang pantao, partikular na sa kaso ng OSAEC o online sexual abuse and exploitation of children.
Tinukoy pa ng State Department ang mas pinaigting na aksyon ng gobyerno sa pagsagip sa mga biktima, pagtutok sa imbestigasyon, at pagpapanagot sa mga sangkot.
(JULIET PACOT)
147 