REMULLA TINIYAK TRANSPARENCY SA FLOOD CONTROL PROBE

TINIYAK ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla ang buong transparency sa imbestigasyon ng Independent Commission of Inquiry (ICI) kaugnay ng kontrobersyal na flood control project.

Sa kanilang unang pagpupulong, napagkasunduan na igagalang ang independence ng komisyon at suportado ito ng DOJ, kabilang na ang pagbibigay ng lahat ng hawak na dokumento at ebidensiya kaugnay ng kaso.

Ayon kay Remulla, mahalagang bukas at malinaw ang proseso para mapanatili ang tiwala ng publiko.

Dagdag pa niya, layunin ng koordinasyon na hindi lang pag-isahin ang mga ahensya ng gobyerno kundi masiguro na patas, kapani-paniwala, at makabuluhan ang magiging resulta ng imbestigasyon — lalo’t nakasalalay dito ang kaligtasan at kapakanan ng mamamayan.

(JULIET PACOT)

160

Related posts

Leave a Comment