INIHAIN ng kontrobersyal na si Cavite 4th District Rep. Francisco “Kiko” Barzaga ang House Bill 4945 o “Absolute Divorce Act of 2025” na layong bigyan ng pangalawang pagkakataon ang mga Pinoy na bigo sa unang pag-ibig.
Sa panukala ni Barzaga, pwedeng makipaghiwalay nang legal ang mag-asawa at makapag-asawa muli, lalo na kung ang pagsasama ay wasak na dahil sa pang-aabuso, kawalan ng suporta, pagtataksil, karahasan, o matinding misconduct.
Aniya, bagama’t may annulment at legal separation, sobrang mahal at mabagal ang prosesong ito kaya’t hindi ito abot-kamay ng mahihirap na biktima ng mapang-abusong relasyon.
“Marriage should not compel individuals to remain in situations of suffering, danger and injustice,” diin ni Barzaga.
Ito na ang ika-walong divorce bill na inihain sa 20th Congress, at kung maisasabatas, tuluyan nitong ibabalik sa estado ng pagiging single ang dating mag-asawa—may karapatang magpakasal muli at tapos na ang lahat ng marital obligations.
(BERNARD TAGUINOD)
297 