Republic Act 12232 kinatigan ng SC COMELEC NAKATUTOK NA SA BSKE

TUTUTUKAN na ng Commission on Elections (Comelec) ang paghahanda para sa darating na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) kasunod ng desisyon ng Korte Suprema na panindigan ang legalidad ng Republic Act 12232.

Sa isang pahayag, sinabi ni Comelec Chairman George Erwin Garcia, napapanahon ang pagpapalabas ng desisyon ng SC dahil nakatakda ang susunod na BSKE sa Nobyembre 2, 2026.

Umaasa ang Comelec na matutuldukan na ang ispekulasyon kaugnay sa BSKE.

Ayon pa kay Garcia, ngayong nagsalita na ang Korte Suprema, matututukan na ng Comelec sa kanilang timeline at kanilang paghahanda.

Inihayag ng Korte Suprema noong Martes na ibinasura nito ang pinagsama-samang petisyon na kumukwestyon sa konstitusyonalidad ng batas na nag-reschedule ng BSKE.

(JOCELYN DOMENDEN)

13

Related posts

Leave a Comment